Nagreport yung kaklase ko kanina about sa time. Sabi niya ang oras daw ang dahilan kung bakit isang beses lang nangyayari ang mga bagay. May nagtanong na isa ko pang kaklase kung ano nga ba talaga ang time? Hindi ito nasagot ng maayos ng reporter kaya yung tanong, naiwan parin sa isip ko hanggang ngayon.
Ano nga ba talaga ang oras? Ito ba yung simpleng araw at gabi? Sapat na ba yung alam mong may dalawamput apat na oras sa isang araw? Gaano nga ba kahalaga ang "T I M E"?
Ang oras ay pera. Yung simpleng 30seconds lang ng patalastas sa mga telebisyon ay binabayaran ng milyun-milyon. Ang buhay naman ay hindi mo pwedeng i-edit para ibalik ang mga magagandang pangyayari sa buhay mo, kaya dapat wala kang pinapalampas na pagkakataon. Dapat bawat oras ng buhay mo, susulitin mo. Sa totoo lang, hindi ako makahanap ng sapat na salita para ipaliwanag kung gaano nga ba talaga kahalaga ang oras. Basta ang alam ko, kapag nagkamali ka ng paggamit nito, maari kang makasakit ng ibang tao. Maaaring mawala ang mga kaibigan mo. Maaaring magsawa sa iyo ang taong mahal mo. At higit sa lahat, kapag ang oras hindi mo nagamit ng tama, maaring kuhanin na lang ito sa'yo bigla.
Wag kang magpatumpik-tumpik pa. masyadong mabilis ang buhay kaysa sayong inaakala. Hindi ka aantayin ng oras. Ikaw dapat ang matutong humabol sakaniya. Ano pang hinihintay mo? Kilos na, baka malate ka sa eskwela. Hahahahahahaha :)))
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento