Biyernes, Marso 7, 2014
pegebeg
May kilala ako, sobrang mahal nila ang isa't isa, di man nila direktang sabihin sa akin pero ramdam ko. Ganito ang set-up, more than 1year na sila. Tapos sa malayo nagcollege si boy kaya nawalan siya ng time kay girl. Ramdam kong matagal inintindi ni girl ang lahat ng pagkukulang ni boy, pero hindi ko siya masisisi kung napagod na rin siya kaya siya nakipagbreak.
Hindi na sila ngayon pero mahal parin nila ang isa't isa. Pareho silang nasasaktan kahit pareho silang nagmamahal. Bakit ganun? Ramdam ko namang totoo nilang mahal ang isa't isa pero bakit hindi pwedeng maging sila? Grabe talaga makapaglaro ang tadhana ano? They deserve each other but they can't be together <\\\\3 ouch lang
Para kay girl at boy, malay niyo pagsubok lang yan? Kaya niyo yan. Sometimes people need to fall apart to realize how they need to fall back together. (tama ba? Haha) Kung sakaling hindi man talaga kayo ang para sa isa't isa, wag kayong papayag. Gawan niyo ng paraan. Dayain niyo ang tadhana kung kinakailangan. Minsan na lang ako makatagpo ng mga tao ngayon na tunay na nagmamahalan. Sayang naman kayo. Sayang naman kung hahayaan niyo lang.
Hay pag-ibig nga naman.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Sana ay huwag na nilang pahirapan ang isa't-isa. Para kay lalaki, kumilos ka na! Wag mong hahayaan na dadating ang araw na nagfefade na unti-unti yung nararamdaman niyo sa bawat isa. Para sa babae, hindi ikaw ang nawalan kundi ikaw ang kawalan. Kaya yan! Sabi nga ng awtor "minsan lang makakatagpo ng totoong pagmamahalan, dayaan niyo ang tadhana kung kinakailangan. SAYANG KAYO! SAYANG NAMAN."
TumugonBurahinyes po Aimee, may pinaghuhugutan? :))
TumugonBurahin