Biyernes, Marso 7, 2014

Ang tutubi.

May nakita akong post ng kaklase ko sa FB. Sabi niya, ang buhay daw parang panghuhuli ng tutubi. Kapag nakahuli ka, papakawalan mo ulit dahil nasasaktan ito. Sa isang banda tama siya, pero hindi ako sang-ayon sakaniya. Bakit mo papakawalan kung ito ang nakakapagpasaya sa'yo diba? Bakit mo hahayaang makalipad ulit kung alama mong magiging malungkot ka pati siya kapag nagkalayo kayo sa isat isa. Bakit kailangang saktan niyo pa ang sarili niyo kung pwede namang luwagan mo lang ang pagkakakapit mo sa tutubi. Ganun lang kasimple, walang kailangang masaktan, walang kailangang pakawalan. Kailangan mo lang matuto na bigyan ng pahalaga ang tutubi kung talagang masaya kang kasama mo siya.


Alam mo kung anong nakakainis sa'yo? Para kang hindi lalaki. Pinaghirapan mong hulihin yang tutubi tapos papakawalan mo lang dahil sinabi niyang nasasaktan siya? Bakit sa tingin mo ba kapag binitawan mo yan hindi siya masasaktan? BAKIT HINDI KA GUMAWA NG PARAAN PARA HINDI SIYA MASAKTAN NANG HINDI MO SIYA BINIBITAWAN? Konting kilos. Konting galaw tol. Lalaki ka. At sa pagkakaalam ko, kayong mga lalaki, hindi basta-basta sumusuko. Kailangan lang ng tutubi ng atensyon, ng alaga, ng tamang pagkapit para hindi siya masaktan.

Ok. Ang laki ng ipinaglalaban ko tungkol sa tutubi. Bakit pa kasi kailangang manghuli ng tutubi eh, bakit hindi na lang sila hayaang kusang lumapit at dumapo sa atin? :)

2 komento:

  1. Kaya hindi ko rin yun nilike eh. Alam mo kung ano ang masakit? Na yung para sa kanya isa ka lang tutubi. Na kapag napasikip na ang hawak sa iyo, bibitawan ka na lang. Dapat mahalin mo siya sa konseptong walang ikahahalintulad at sa konseptong hindi madaling sukuan. Jk! Pero seryoso.

    TumugonBurahin
  2. Awar-winning talaga yung mga comment mo ehh :))

    TumugonBurahin