"Why do I feel like this? Why do I have to control my thoughts and feelings? I really don't understand why the heck should I stop myself from admiring someone who, in fact is worth it. This is disgusting. I'm always afraid of falling. I always end up stopping myself to feel something special towards a certain guy. I admit, I'm starting to like him. what do you expect? He's nice, responsible and friendly, I feel happy when he's around. But now, it's as if I just want to stay away from him. I'm afraid I might fall. I'm afraid I might just look like a fool.
I admit I'm the one who doesn't want to take chances. It just doesn't seem so right. I cannot fall for him. He's out of reach. He's pretty cool and me? Duh. I'm nobody versus other girls out there.
I don't want to fall. But how can I stop myself from falling with someone like you, an almost perfect guy"
Philophobia is a condition in which one has fear of getting attached emotionally and does not want to fall in love.
Sabado, Marso 29, 2014
Huwebes, Marso 13, 2014
Oo nga naman. Eh ano kung marami kang natututunan at marami kang alam. Naaapply mo ba sa totoong buhay? Kasi kung hindi, diba useless lang?!
Naisip ko lang naman. Hahahaha
tik tak tik tak
Nagreport yung kaklase ko kanina about sa time. Sabi niya ang oras daw ang dahilan kung bakit isang beses lang nangyayari ang mga bagay. May nagtanong na isa ko pang kaklase kung ano nga ba talaga ang time? Hindi ito nasagot ng maayos ng reporter kaya yung tanong, naiwan parin sa isip ko hanggang ngayon.
Ano nga ba talaga ang oras? Ito ba yung simpleng araw at gabi? Sapat na ba yung alam mong may dalawamput apat na oras sa isang araw? Gaano nga ba kahalaga ang "T I M E"?
Ang oras ay pera. Yung simpleng 30seconds lang ng patalastas sa mga telebisyon ay binabayaran ng milyun-milyon. Ang buhay naman ay hindi mo pwedeng i-edit para ibalik ang mga magagandang pangyayari sa buhay mo, kaya dapat wala kang pinapalampas na pagkakataon. Dapat bawat oras ng buhay mo, susulitin mo. Sa totoo lang, hindi ako makahanap ng sapat na salita para ipaliwanag kung gaano nga ba talaga kahalaga ang oras. Basta ang alam ko, kapag nagkamali ka ng paggamit nito, maari kang makasakit ng ibang tao. Maaaring mawala ang mga kaibigan mo. Maaaring magsawa sa iyo ang taong mahal mo. At higit sa lahat, kapag ang oras hindi mo nagamit ng tama, maaring kuhanin na lang ito sa'yo bigla.
Wag kang magpatumpik-tumpik pa. masyadong mabilis ang buhay kaysa sayong inaakala. Hindi ka aantayin ng oras. Ikaw dapat ang matutong humabol sakaniya. Ano pang hinihintay mo? Kilos na, baka malate ka sa eskwela. Hahahahahahaha :)))

Biyernes, Marso 7, 2014
Ang tutubi.
May nakita akong post ng kaklase ko sa FB. Sabi niya, ang buhay daw parang panghuhuli ng tutubi. Kapag nakahuli ka, papakawalan mo ulit dahil nasasaktan ito. Sa isang banda tama siya, pero hindi ako sang-ayon sakaniya. Bakit mo papakawalan kung ito ang nakakapagpasaya sa'yo diba? Bakit mo hahayaang makalipad ulit kung alama mong magiging malungkot ka pati siya kapag nagkalayo kayo sa isat isa. Bakit kailangang saktan niyo pa ang sarili niyo kung pwede namang luwagan mo lang ang pagkakakapit mo sa tutubi. Ganun lang kasimple, walang kailangang masaktan, walang kailangang pakawalan. Kailangan mo lang matuto na bigyan ng pahalaga ang tutubi kung talagang masaya kang kasama mo siya.
Alam mo kung anong nakakainis sa'yo? Para kang hindi lalaki. Pinaghirapan mong hulihin yang tutubi tapos papakawalan mo lang dahil sinabi niyang nasasaktan siya? Bakit sa tingin mo ba kapag binitawan mo yan hindi siya masasaktan? BAKIT HINDI KA GUMAWA NG PARAAN PARA HINDI SIYA MASAKTAN NANG HINDI MO SIYA BINIBITAWAN? Konting kilos. Konting galaw tol. Lalaki ka. At sa pagkakaalam ko, kayong mga lalaki, hindi basta-basta sumusuko. Kailangan lang ng tutubi ng atensyon, ng alaga, ng tamang pagkapit para hindi siya masaktan.
Ok. Ang laki ng ipinaglalaban ko tungkol sa tutubi. Bakit pa kasi kailangang manghuli ng tutubi eh, bakit hindi na lang sila hayaang kusang lumapit at dumapo sa atin? :)

pegebeg
May kilala ako, sobrang mahal nila ang isa't isa, di man nila direktang sabihin sa akin pero ramdam ko. Ganito ang set-up, more than 1year na sila. Tapos sa malayo nagcollege si boy kaya nawalan siya ng time kay girl. Ramdam kong matagal inintindi ni girl ang lahat ng pagkukulang ni boy, pero hindi ko siya masisisi kung napagod na rin siya kaya siya nakipagbreak.
Hindi na sila ngayon pero mahal parin nila ang isa't isa. Pareho silang nasasaktan kahit pareho silang nagmamahal. Bakit ganun? Ramdam ko namang totoo nilang mahal ang isa't isa pero bakit hindi pwedeng maging sila? Grabe talaga makapaglaro ang tadhana ano? They deserve each other but they can't be together <\\\\3 ouch lang
Para kay girl at boy, malay niyo pagsubok lang yan? Kaya niyo yan. Sometimes people need to fall apart to realize how they need to fall back together. (tama ba? Haha) Kung sakaling hindi man talaga kayo ang para sa isa't isa, wag kayong papayag. Gawan niyo ng paraan. Dayain niyo ang tadhana kung kinakailangan. Minsan na lang ako makatagpo ng mga tao ngayon na tunay na nagmamahalan. Sayang naman kayo. Sayang naman kung hahayaan niyo lang.
Hay pag-ibig nga naman.
Huwebes, Marso 6, 2014
ANG SIMULA.
Dahil sa nakalimutan ko na yung account ko sa Tumblr at dahil na rin sa di ko mapigilang kadaldalan at wala nang gustong makinig sa mga kwento ko. Napagdesisyunan kong isulat na lang ang lahat ng gusto kong sabihin. Tipid laway na, may remembrance pa. Oha! :)
Ako nga pala si Faye. Katulad mo, nakikipagsapalaran rin ako sa buhay. May mga pangarap rin ako. Minsan nang nabulag, nadapa, napahiya, nautot sa LRT, nangupit, nag123, naligaw, nakitulog, nakikain, nagalit, pinagalitan, at katulad mo, isa rin akong TAO :)
Ito ang simula. Ang simula ng pagfefeeling ko :)) HAHA. Ang simula ng pagiging isang manunulat ko <3
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)