Linggo, Hulyo 5, 2015

Piliin mong magpatawad. Piliin mong magmahal

Sa kabila ng lahat ng sakit, paghihirap, pagsasakripisyo at pagpaparaya, bakit kailangang piliin muli natin ang magpatawad at magmahal?


Hindi ako love guru, at lalong hindi ako ganon ka-experienced to tell you something about love. Pero sigurado ako sa isang bagay, kahit ano ang mangyari pipiliin parin natin ang magmahal.

May ex ka, niloko ka niya, sinaktan. Pero 'diba kahit na alam mo na yung magiging resulta ng relationship niyo, kahit na alam mo na pwedeng hindi naman talaga kayo hanggang sa huli. O kahit na alam mo na ang lahat ng mangyayari in the near future, na masasaktan ka, lolokohin at iiwanan, pipiliin mo parin na maging kayo. Pipiliin mo parin na mahalin siya. Hindi naman kasi yung "sakit" ang mahalaga eh. Ang mahalaga, naging masaya nang minsang kang magmahal. Naging masaya ka, kahit nasaktan ka.

'Pag nasasaktan ang isang tao, nag uundergo siya sa isang proseso na kung tawagin ay pagmomove-on. Maaari siyang makaramdam na sakit, galit, inis, panghihinayang. Pero lahat yan, parte ng pagiging isang malakas na tao. Pagkatapos ng lahat ng naramdaman mo, pipiliin mo parin namang magmahal diba? Kasi ang pusong di natatakot masaktan, ay ang pusong puno ng pagmamahal.


"The human spirit wants to love. It has to love. It dies without love. And most of the time that choice to love doesn't go that well. Because even in the very best of relationships, chances are you are not going to pass from this world at the same time. One of you is most likely going to be grieving the loss of the other some day in the future.
Loss is a part of life. And we choose to lose when we choose to love."
Life goes on. Love happens. Piliin mong magmahal, humanda kang masaktan. Hayaan mo ang puso mong mawasak at hayaang maghilom ito. Dahil ang pusong puno ng sugat ay isang tatak ng pagiging matatag, ng pagiging malakas.

Choose to love and be loved. Piliin mong magpatawad. Piliin mong magmahal. Kahit an ano pang mangyari,

KAYA MO YAN! =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento