BUKAS NA LIHAM PARA SA LAHAT NG KUMUKUHA NG KURSONG EDUCATION, MGA BALAK KUMUHA, AT MGA KAPITA-PITAGANG MGA GURO SAAN MANG ANTAS, ANO MANG ASIGNATURA. ISANG BUKAS NA LIHAM MULA SA ISANG HINDI PERPEKTONG ESTUDYANTE NA MINSAN NA RING UMABSENT DAHIL WALANG ASSIGNMENT. NAG-CUT CLASSES DAHIL LANG TINATAMAD. NANGOPYA SA EXAM. NAGPAKOPYA. AT HIGIT SA LAHAT, ISANG ESTUDYANTENG MAY PANGARAP AT NAGHAHANGAD MATUTO.
Hi Ma'am / Sir
Una sa lahat, sana ginagawa niyo yung pagtuturo hindi lang para sa kapakanan ninyo kundi para sa kapakanan ng mga matuturuan ninyo. Alam ko pong walang perkpektong tao, hindi po ako naghahangad ng mga gurong araw-araw na pumapasok, nagtuturo, di nagpapa-assignment tapos nagbibugay ng mataas ng marka. Sa halos labing apat na taon kong pagpasok at paglabas sa mga paaralan, naranasan ko na yata ang iba't ibang klase ng mga guro. Mula sa mala-anghel na pagkabait-bait na (masakit mang aminin, pero oo) kadalasan at inaabuso ng mga estudyante. Hanggang sa terror professors na akala mo palaging may pinagdadaanan kapag nasa klase. Hindi ko po sinasabi na magbago kayo, ang gusto ko lang pong sabihin ay sana matuto pa po kami sainyo. Alam ko pong unfair ang buhay, pero sana po fair yung judgement. Napakasakit lang kasi (lalo na ngayon kolehiyo) na nag-effort ka, pumasok kahit malayo, nag-aral kahit puyat, gumastos ng oras at pera, pero hindi makakakuha ng sapat na marka. Don't get me wrong po. Pero hindi ako GC. Ayos lang po sa akin ang mababang marka, AS LONG AS I DESERVED IT. Tanggap ko po kung ibabagsak niyo ako, kung may sapat na dahilan. Sana po ang pagtuturo niyo at pakikinig namin ay maging "mutualism" relationship, parehong nagbebenefit at walang nahaharm. Alam kong di lang ako ang nakaranas na "maroleta" langyang buhay nga po naman, swertihan ang labanan. Hahaha. Pag graduate ko, (kung papalarin) nais ko rin sanang maging isang guro. Sana po makakita ako ng inspirasyon sa inyo.
Para sa lahat ng guro, magiging guro, guro na dati pero nagretired lang, at mga ipapanganak para maging isang guro, sana po maging inspirasyon tayo ng bawat estudyante natin. Sana po hindi tayo yung maging dahilan kung bakit sila titigil sa pag-aaral. Sana po hindi nila katakutan ang pagasok sa nga klase natin. Sana po matuto sila sa atin, at tayo sakanila.
Sa kabila ng lahat, marka lang naman yan. Sabi nga nila, di dyan nasusukat ang kinabukasan mo. Eh ano kung naroleta ka? At least natuto. (Eh pano kung naroleta na nga, wala pang natutunan? Ay. Di ko na po problema yan! Hahaha)
Tayo namang mga estudyante, sikapin at pilitin nating matuto. Kahit nakakatamad (yes based from experience) Kahit nakakapagod. Kahit feeling mo ayaw mo na. ANG SARAP KAYA MATUTO.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento