Last week, July 25, nagbida-bida kami ng mga college friends ko at nagdecide na umakyat ng Mt Batulao sa Nasugbu, Batangas. Actually, matagal na talaga naming plano magpunta sa Tagaytay, and this time hindi na lang siya drawing dahil finally nakulayan na ang isa na naman sa aming "Wasang Adventures" :)
Sa experience na ito ay marami akong natutunan na nais ko namang ibahagi sainyo, dahil malay niyo isa sa mga araw na ito ay magbida-bida rin kayo at magplanong umakyat ng bundok kasama ang mga kaibigan mo. (Just make sure na hindi lang basta plano ang gagawin niyo. Haha)
Ito ang ilan sa mga bagay na dapat at di dapat gawin sa pag-akyat sa bundok.
1. 'Hwag masyadong excited. Ito ang isa sa mga pagkakamaling nagawa ko. Hindi ko naman sinasabing bawal maexcite, syempre hindi naman natin maiiwasan yun lalo na at first time mo pa lang. Pero lahat ng sobra ay nakasasama (hugot lord). Ang tendency kasi kapag sobrang naexcite ka, hindi ka makakapag-focus sa mga dapat mong gawin at dalhin. At higit sa lahat, hindi ka makakatulog agad. Trust me, hindi mo gugustuhing maging zombie habang umaakyat ng bundok. Di mo maeenjoy.
2. Wear proper outfit. Nais kong ipaalala sayo na hiking ang pupuntahan mo at hindi ka a-aura habang umaakyat ng bundok, tho pwede rin dahil may mga makakasabay kayong mga bet na foreigner dun panigurado. Simulan natin sa sapatos, mas maganda kung hiking shoes talaga, kung wala naman pwede na yung tunning shoes or rubber shoes. Hwag na hwag kang magsasandals kung ayaw mong umuwing mukhang putik. Mas ok na yung maglaba ng sapatos kesa magtanggal ng mga duming sumiksik sa kuko sa paa. 'Hwag mag shorts, isa rin to sa mga pagkakamali ko. Mas maganda kung naka-leggings ka or jogging pants. Basta mahaba, dahil mas malalaki pa sayo ang mga talahib sa lalakaran mo. Isa pa, magsuot ka talaga ng mahaba kung ayaw mong magkaroon ng tan line pagbaba mo. Pero syempre suotin mo naman yung damit na maganda ka parin kahit papano. Yung tipong di mo pagsisisihan ang itsura mo sa mga pictures.
3. Pack light. Dalhin lamang ang mga siguradong kakailanganin. Kung balak mag-overnight magdala ng flash light dahil walang ilaw sa bundok pag gabi. Magdala ng maraming maraming maraming tubig. May ginto ang tubig sa bundok, kubg ayaw mong mamatay sa uhaw at maghirap ay magdala ka ng tubig na sa tingin mo ay sasapat sa iyong pangangailangan. Maganda kung kaniya-kaniyang kayong dala ng mga kaibigan mo para walang asahan at walang lamangan. Pag nasa bundok ka, di mo masyadong mapapansin ang gutom dahil mabubusog ka sa magagandang tanawin at masarap na simoy ng hangin na lasang adobo. Kaya magdala ka lang ng kanin, solb ka na. Hahaha.
4. Magbaon ng 5385394628263 self confidence. Sa una, iisipin mo na madali lang, pero as you go along marerealize mona hindi ganun kagandang ideya ang umakyat sa bundok. Ang payo ko sayo, tiwala lang. Kakayanin mong maka-abot sa summit. Naalala ko nun, wala pa kami sa peak 1 gusto ko ng sumuko. Pero di ako tumigil at nakarating ko hanggang 8. May mga peak kasi dun na feeling mo susuko ka na. Pero paulit-ulit mong sabihin na kaya mo. And believe me, makakaya mo! :)
5. Mag-ingat. Mag-pray. Mag-enjoy. Ngumiti. Magpasalamat. Syempre mag-ingat ka dahil sa bundok, bawal ang tanga. Isang maling tapak mo lang, maari kang malaglag at maari mong ikamatay. Kung first time mo, mas maganda yung slowly but surely. Wag mong madaliin ang pag-akyat. Makakarating ka rin sa tuktok, wag ka mag-alala di ka naman nun iiwan tulad ng ginawa sayo ng ex mo. Mag-pray bago at pagkatapos umakyat. Siguraduhing mageenjoy ang bawat isa dahil baka first and last na pag-akyat niyo na yun. At higit sa lahat, wag kakalimutang ngumiti palagi, lalo na pag may kasama kayong picture ng picture at mahilig kumuha ng mga candid. Kung ayaw mong magmukhang nalugi sa mga pictures, dapat lagi kang camera-ready. Batiin ang mga makakasalubong sa daan. Maging palakaibigan dahil maari mo silang hingian ng tubig pag naubusan ka. Hahahaha.
All in all, mountain climbing is such a great experience and I am recommending it to all the teenagers out there who wants adventure. It is also one way of appreciating our Mother Nature. Believe it or not, it's hard to climb up a mountain, but baby its worth it when you reached the summit. - F
Minsan sa may kalayaan
Martes, Hulyo 28, 2015
Biyernes, Hulyo 17, 2015
Thanks Ma!
Thanks Ma for telling me how wonderful my voice is, whenever I get too emotional singing a song that my voice is heard all over our house. Thanks for encouraging me even though we both know that I am not a good singer. Hahaha. You're the best! :)
- F
- F
Linggo, Hulyo 5, 2015
Piliin mong magpatawad. Piliin mong magmahal
Sa kabila ng lahat ng sakit, paghihirap, pagsasakripisyo at pagpaparaya, bakit kailangang piliin muli natin ang magpatawad at magmahal?
Hindi ako love guru, at lalong hindi ako ganon ka-experienced to tell you something about love. Pero sigurado ako sa isang bagay, kahit ano ang mangyari pipiliin parin natin ang magmahal.
May ex ka, niloko ka niya, sinaktan. Pero 'diba kahit na alam mo na yung magiging resulta ng relationship niyo, kahit na alam mo na pwedeng hindi naman talaga kayo hanggang sa huli. O kahit na alam mo na ang lahat ng mangyayari in the near future, na masasaktan ka, lolokohin at iiwanan, pipiliin mo parin na maging kayo. Pipiliin mo parin na mahalin siya. Hindi naman kasi yung "sakit" ang mahalaga eh. Ang mahalaga, naging masaya nang minsang kang magmahal. Naging masaya ka, kahit nasaktan ka.
'Pag nasasaktan ang isang tao, nag uundergo siya sa isang proseso na kung tawagin ay pagmomove-on. Maaari siyang makaramdam na sakit, galit, inis, panghihinayang. Pero lahat yan, parte ng pagiging isang malakas na tao. Pagkatapos ng lahat ng naramdaman mo, pipiliin mo parin namang magmahal diba? Kasi ang pusong di natatakot masaktan, ay ang pusong puno ng pagmamahal.

"The human spirit wants to love. It has to love. It dies without love. And most of the time that choice to love doesn't go that well. Because even in the very best of relationships, chances are you are not going to pass from this world at the same time. One of you is most likely going to be grieving the loss of the other some day in the future.
Loss is a part of life. And we choose to lose when we choose to love."
Life goes on. Love happens. Piliin mong magmahal, humanda kang masaktan. Hayaan mo ang puso mong mawasak at hayaang maghilom ito. Dahil ang pusong puno ng sugat ay isang tatak ng pagiging matatag, ng pagiging malakas.
Choose to love and be loved. Piliin mong magpatawad. Piliin mong magmahal. Kahit an ano pang mangyari,
KAYA MO YAN! =)
Huwebes, Hulyo 2, 2015
BUKAS NA LIHAM
BUKAS NA LIHAM PARA SA LAHAT NG KUMUKUHA NG KURSONG EDUCATION, MGA BALAK KUMUHA, AT MGA KAPITA-PITAGANG MGA GURO SAAN MANG ANTAS, ANO MANG ASIGNATURA. ISANG BUKAS NA LIHAM MULA SA ISANG HINDI PERPEKTONG ESTUDYANTE NA MINSAN NA RING UMABSENT DAHIL WALANG ASSIGNMENT. NAG-CUT CLASSES DAHIL LANG TINATAMAD. NANGOPYA SA EXAM. NAGPAKOPYA. AT HIGIT SA LAHAT, ISANG ESTUDYANTENG MAY PANGARAP AT NAGHAHANGAD MATUTO.
Hi Ma'am / Sir
Una sa lahat, sana ginagawa niyo yung pagtuturo hindi lang para sa kapakanan ninyo kundi para sa kapakanan ng mga matuturuan ninyo. Alam ko pong walang perkpektong tao, hindi po ako naghahangad ng mga gurong araw-araw na pumapasok, nagtuturo, di nagpapa-assignment tapos nagbibugay ng mataas ng marka. Sa halos labing apat na taon kong pagpasok at paglabas sa mga paaralan, naranasan ko na yata ang iba't ibang klase ng mga guro. Mula sa mala-anghel na pagkabait-bait na (masakit mang aminin, pero oo) kadalasan at inaabuso ng mga estudyante. Hanggang sa terror professors na akala mo palaging may pinagdadaanan kapag nasa klase. Hindi ko po sinasabi na magbago kayo, ang gusto ko lang pong sabihin ay sana matuto pa po kami sainyo. Alam ko pong unfair ang buhay, pero sana po fair yung judgement. Napakasakit lang kasi (lalo na ngayon kolehiyo) na nag-effort ka, pumasok kahit malayo, nag-aral kahit puyat, gumastos ng oras at pera, pero hindi makakakuha ng sapat na marka. Don't get me wrong po. Pero hindi ako GC. Ayos lang po sa akin ang mababang marka, AS LONG AS I DESERVED IT. Tanggap ko po kung ibabagsak niyo ako, kung may sapat na dahilan. Sana po ang pagtuturo niyo at pakikinig namin ay maging "mutualism" relationship, parehong nagbebenefit at walang nahaharm. Alam kong di lang ako ang nakaranas na "maroleta" langyang buhay nga po naman, swertihan ang labanan. Hahaha. Pag graduate ko, (kung papalarin) nais ko rin sanang maging isang guro. Sana po makakita ako ng inspirasyon sa inyo.
Para sa lahat ng guro, magiging guro, guro na dati pero nagretired lang, at mga ipapanganak para maging isang guro, sana po maging inspirasyon tayo ng bawat estudyante natin. Sana po hindi tayo yung maging dahilan kung bakit sila titigil sa pag-aaral. Sana po hindi nila katakutan ang pagasok sa nga klase natin. Sana po matuto sila sa atin, at tayo sakanila.
Sa kabila ng lahat, marka lang naman yan. Sabi nga nila, di dyan nasusukat ang kinabukasan mo. Eh ano kung naroleta ka? At least natuto. (Eh pano kung naroleta na nga, wala pang natutunan? Ay. Di ko na po problema yan! Hahaha)
Tayo namang mga estudyante, sikapin at pilitin nating matuto. Kahit nakakatamad (yes based from experience) Kahit nakakapagod. Kahit feeling mo ayaw mo na. ANG SARAP KAYA MATUTO.

Miyerkules, Hunyo 24, 2015
ANG PAGBABALIK
'di ko na naman mapagkasiya yung mga feels ko sa puso ko, kaya kailangan kong isulat ang iba para mailabas 'to. Masama daw kasi yung naiipon yung mga ganito sa puso mo eh. Kaya heto ang pagbabalik ko.
ABANGAN.
ABANGAN.
Sabado, Marso 29, 2014
PHILOPHOBIA.
"Why do I feel like this? Why do I have to control my thoughts and feelings? I really don't understand why the heck should I stop myself from admiring someone who, in fact is worth it. This is disgusting. I'm always afraid of falling. I always end up stopping myself to feel something special towards a certain guy. I admit, I'm starting to like him. what do you expect? He's nice, responsible and friendly, I feel happy when he's around. But now, it's as if I just want to stay away from him. I'm afraid I might fall. I'm afraid I might just look like a fool.
I admit I'm the one who doesn't want to take chances. It just doesn't seem so right. I cannot fall for him. He's out of reach. He's pretty cool and me? Duh. I'm nobody versus other girls out there.
I don't want to fall. But how can I stop myself from falling with someone like you, an almost perfect guy"
Philophobia is a condition in which one has fear of getting attached emotionally and does not want to fall in love.

Huwebes, Marso 13, 2014
Oo nga naman. Eh ano kung marami kang natututunan at marami kang alam. Naaapply mo ba sa totoong buhay? Kasi kung hindi, diba useless lang?!
Naisip ko lang naman. Hahahaha
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)